Kay tagal ko na itong kinikimkim, damdamin ko'y patuloy na dumidilim, puso at pakiramdam ko’y parang bombang sasabog. Panlabas ko mang anyo’y mukhang maligaya, mga mata ko man ay hidi nagpapakita ng luha ngunit pag iyong natanaw ang tunay na ako, makikita mo, puso ko'y patuloy na dumurugo.
Inisip ko minsan na ipahiyag na sa'yo ngunit kulang ako sa lakas ng loob at wala akong ideya sa iyong magiging reaksyon. Ano kaya iyong maaring desisyon? Di ko inaasahan na ika'y aking iibigin
hinuha ko namang ika'y aking malilimutan ngunit, ano ba itong aking natamo? hinagpis at lumbay lamang ang iyong binibigay.
Sikreto ko sayo'y ipinaparamdam naman, paminsan ay nagpapapansin na rin ako sayo, tulad ng paglapit ko, pakikipagtuwaan sayo. Manhid ka ba? o sa pag-ibig ay walang kaalaman. 'di mo ba talaga ramdam handog na pagmamahal? o ika'y nagpapanggap na walang alam? Baka naman puso mo'y inialay na sa iba at ang akin naman ay dinukot mo na, di mo ba alam? Tanong ko'y bakit sa'yo pa ito dumidikit?
Nang minsan..nakikita kita na sa kanya nakikipagkwentuhan, nakikipagtawanan at kayo’y masayang magkasama. Pinipigilan ko na lamang tumulo ang aking mga luha. Iniiwasan ko na lamang kayo’y makita nang lumisan ang sakit. At paminsan ay para bang maspinipili mo syang makasama.
Hanggang ngayon ako pa rin ay nagdurusa. Kakayanin pa kaya ng pasensya na umasa? Makakya ko pa kaya ang mga sakit? o patuloy ko nang ibabaon sa limot ang lahat? Nang minsang, may sinabi sa akin ang aking kaibigan na nagdulot sa aking pag-iyak. Sa mga oras na iyon ay galit ang nadarama sa iyo. Inisip ko na dapat kalimutan na kita. Pinilit ko ang sarili ko na wag kang pansinin na wag kang kausapin ng maayos. Ngunit, sadyang hindi ko kaya gawin lahat ng ito. Balik lamang ako ng balik sayo dahil alam ko na masaya ako kung ikaw ang kasama.
Kay daming tanong ng aking isipan ngunit ito’y lumilisan sa iyong ngiti. Sa anong paraan kita malilimutan? Kung sa aking mundo'y ikay patuloy na umiikot. Siguro nga ay may rason ang Diyos kung bakit di pa rin kita malimutan ngunit sa naman sa dulo’y hindi na ako masaktan at sana matapos na ito agad dahil ito’y parating bumubulabog sa akin. Ito na lamang ang kahulihulihang sasabihin ko sa iyo; Mahal na mahal talaga kita sana'y makita na iyan ng iyong mga mata dahil masyado na akong nasasaktan at di ko alam kung kaya ko pa ba.

