June 19, 2009

"Kaya ko pa ba?"

"Kaya ko pa ba?"

Kay tagal ko na itong kinikimkim
damdamin ko'y patuloy na dumidilim
pakiramdam ko'y bombang sumasbog
puso ko'y para ba'y nagiging bubog

Panlabas ko mang anyoy mukhang maligaya,
di man nagpapakita luha sa aking mga mata,
ngunit pag iyong natanaw ang tunay na ako
makikita mo, puso ko'y patuloy na dumurugo.

Di ko inaasahan na ika'y aking iibigin
hinuha ko namang ika'y malilimutan rin
ngunit, ano ba itong aking natamo?
hinagpis at lumbay lamang ang ibinigay mo.

Inisipko minsan na ipahiyag na sa'yo
ngunit lakas ng loob ay kulang ako
at ideya ko 'y wala sa'yong magiging reaksyon
ano kaya iyong maaring desisyon?

Sikreto ko sayo'y ipinaparamdam naman
manhid ka ba? o sa pag-ibig ay walang kaalaman
'di mo ba talaga ramdam handog na pagmamahal?
o ika'y nagpapanggap na walang alam?

Baka naman puso mo'y inialay na sa iba
at ang akin naman ay dinukot mo na
tanong ko'y bakit sa'yo pa ito dumidikit?
Maaaring ito'y durog-durog na kung makamtan ulit.

Hanggang ngayon ako pa rin ay nagdurusa
kakayanin pa kaya ng pasensya na umasa?
Makakya ko pa kaya ang mga sugat?
o patuloy ko nang ibabaon sa limot ang lahat?

Kay daming tanong ng aking isipan
ngunit sa simpleng ngiti mo ito'y lumilisan.
Sa paarang ano kita malilimot?
Kung sa aking mundo'y ikay umiikot.

Mahal na mahal talaga kita
sana'y makita na iyan ng iyong mga mata
dahil masyado na akong nasaktan
at di ko alam kung kaya ko pa ba.


Ayan :)) magtatagalog muna ako. Yung tula tagalog eh :)) okay, wala lang. Napagawa ako bigla ng tula. Baliw kasi ako :D well, may assignment kasi kami kahapon sa filipino. Gumawa daw ng tula. Tapos eto, dahil wala naman din akong magawa. Nagdecide akong gumawa na lang :D

2 comments:

karenhannahmae said...

AWWWWW. :'(

"Hanggang ngayon ako pa rin ay nagdurusa
kakayanin pa kaya ng pasensya na umasa?
Makakya ko pa kaya ang mga sugat?
o patuloy ko nang ibabaon sa limot ang lahat?"


ano ang desisyon? :))
grabeeeee. pwedeng gawing kanta yung ibang lines. :P

Anonymous said...

Gagi Keith! Ang gandaaaaaaaaaa. :) Pati yung isa. Err, haha.