"Sirang Pag-ibig"
Sa aking buhay, may isang araw
na pangyayaring hindi pumapanaw
at patuloy na tumatatak ang pait
sa aking puso’t isipa’y dumidikit.
Ako’y musmos pa lamang
nang matamo ko’y isang
napakalagim na karanasan
na parang isang tao’y lumisan.
May isang karaniwang gabi
nang kami’y nakahiga’t matutulog na
di-inaasahang tanong mula sa aking ina
“saan ka?kay papa?o kay mama?”
Tugon ko ma’y sa piling ng aking ama
‘di ko malinaw ang rason sa pagkwestyon nya.
Basta’t batid ko lang naman
Sila’y mahal kong pareha.
Sa katreng matigas, di ako makatiis
kaya’t para lumisan ang aking inis
pinapatong niya ako sa kanyang katawan
at sabay paypay para ako’y di mainitan.
Kinabukasan, inakalang ordinaryong umaga
habang malugod na naglalaro kami ni kuya,
ama ko nama’y timik na nagplaplantsa
at aking ina’t nakababatang kapatid ay himlay pa.
Tuloy-tuloy lang kami sa aming gawain
maya-maya pa’y gising na ang aking ina
panandaliang lumabas ng silid niya
at agad din syang bumalik roon
Sa kanyang muling paglabas sa sala
kagulat-gulat ang lulan niya
bitbit niya’y isang patalim
kami’y walang ideya sa gagawin.
Tumagaktak, dumaloy, pumatak, umagos
ang aming luha na ‘di matapos-tapos
nadinig ko’y wala mula sa kanilang bibig
palatandaang, sira na ang pag-ibig.
Sa aking buhay, may isang araw
na pangyayaring hindi pumapanaw
at patuloy na tumatatak ang pait
sa aking puso’t isipa’y dumidikit.
Ako’y musmos pa lamang
nang matamo ko’y isang
napakalagim na karanasan
na parang isang tao’y lumisan.
May isang karaniwang gabi
nang kami’y nakahiga’t matutulog na
di-inaasahang tanong mula sa aking ina
“saan ka?kay papa?o kay mama?”
Tugon ko ma’y sa piling ng aking ama
‘di ko malinaw ang rason sa pagkwestyon nya.
Basta’t batid ko lang naman
Sila’y mahal kong pareha.
Sa katreng matigas, di ako makatiis
kaya’t para lumisan ang aking inis
pinapatong niya ako sa kanyang katawan
at sabay paypay para ako’y di mainitan.
Kinabukasan, inakalang ordinaryong umaga
habang malugod na naglalaro kami ni kuya,
ama ko nama’y timik na nagplaplantsa
at aking ina’t nakababatang kapatid ay himlay pa.
Tuloy-tuloy lang kami sa aming gawain
maya-maya pa’y gising na ang aking ina
panandaliang lumabas ng silid niya
at agad din syang bumalik roon
Sa kanyang muling paglabas sa sala
kagulat-gulat ang lulan niya
bitbit niya’y isang patalim
kami’y walang ideya sa gagawin.
Tumagaktak, dumaloy, pumatak, umagos
ang aming luha na ‘di matapos-tapos
nadinig ko’y wala mula sa kanilang bibig
palatandaang, sira na ang pag-ibig.
oh.ayan naman yung pinasa kong tula sa filipino class :)) pansin niyo?puro bigong pag-ibig tula ko. :)))) broken hearted daw kasi akoooo. OKEiiii! HAHAHA. errr.. love na love ko yung last stanza :D


0 comments:
Post a Comment